amateurdreamer:

Bakit nga ba minsan, natatakot tayong pumasok sa isang relasyon? Sa isang commitment? ‘Yon bang maging ‘In a relationship’ ang status natin? Bakit nga ba? Hindi ba’t ang sarap ma-in love? Ang sarap maramdaman ito. Pero bakit kapag alam mong andiyan na, bigla-bigla na lang na aatras ka? Hawak mo na, bibitawan mo pa. Siguro, may mga tao talagang mas kuntento na sa simpleng ‘kilig’ na nararamdaman nila. ‘Yon bang kahit hindi na sila mag-settle sa mas pa sa ‘kilig’ na ‘yon, ay sapat na ‘yon para sa kanila. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit ipaparamdam nila sa isang tao na gusto rin nila sila pabalik pero iiwan din naman pala sa bandang huli. Kungbaga, hindi ba’t parang paasa na rin ang kinalabasan nila? Alam mong may ‘something’ na sa inyong dalawa, alam niyong pareho kayong may nararamdaman para sa isa’t isa, pero bakit hindi pa rin kayang pangatawanan ‘nung isa? Oo, duwag nga kung sabihin, pero bakit nga ba? Bakit nga ba may mga taong natatakot na magmahal, na pumasok sa isang relasyon? Na panindigan ang taong sinasabi nilang, ‘mahal’ nila?

Siguro naman, lahat tayo ay may takot talagang nararamdaman sa umpisa. Aaminin ko, takot din naman akong pumasok sa isang relasyon. Lalo pa’t alam kong hindi pa ako handa. Pero bakit nga ba minsan, kahit alam niyong halos perpekto na ang lahat sa inyong dalawa, ‘yon bang tama na ang lahat, bigla na lang iiwanan ka. Malalaman mo na lang sa bandang huli, natatakot lang pala siya. Oo, matututunan mo rin namang tanggapin kahit masakit talaga sa umpisa. Wala ka namang magagawa, hindi ba? Hanggang sa mapapaisip ka, bakit nga ba siya natakot o bakit nga ba siya takot na pumasok sa isang relasyon o commitment? Natatakot masaktan? Masasabi kong, parte ‘yon. Hindi ka nagmamahal, kung hindi ka masasaktan. Natatakot makasakit? Hangga’t maaari naman, pwedeng pigilan. Choice mo ‘yon, masasaktan mo lang ang isang tao kapag ginusto mo talagang saktan siya. O ayaw mo lang dumating ‘yong panahon na baka pareho kayong masaktan? Bakit mo nga ba iisipin ‘yon, hindi ba? Ang mahalaga ay ‘yong ngayon, saka na ang bukas. Hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga taong takot magmahal. Kung ayaw nang commitment, alisin ang label na ‘yon. Pero sana, huwag dumating sa puntong magpapaasa ka.

We all have this ‘what ifs’ sa isip natin sa tuwing magmamahal tayo. Hindi naman natin maiiwasang mag-isip ng kung ano ang pwedeng mangyari sa’tin sa bandang huli. Pero why think of the future kung wala pa ngang ‘present’ na nangyayari sa inyong dalawa? Siguro as you go along the relationship, thinking about the future will always be a part. Fear will always be a part of falling in love. Fear will always be a part nang pagpasok sa isang relationship o ng commitment. Pero, we must conquer that fear. Hindi ba’t ang pinakamadaling paraan para ma-conquer mo ang fear na ‘yon ay ang pag-subok, pag-harap o ang paggawa ng kinatatakutan mo? Masasabi kong ganun din naman pagdating sa aspeto ng pag-ibig. Kung natatakot kang pumasok sa isang relasyon, ‘cause you’re afraid that you might end up messing things, bakit hindi mo muna subukan hindi ba? Habangbuhay ka na lang bang magpapalamon sa takot mo? Habangbuhay mo na lang bang pipigilan ang sarili mo na maging masaya? Oo, maaaring makaramdam talaga tayo ng takot sa umpisa. Pero conquering this fear ang pwedeng maging sagot para mas maging masaya ka. 

  1. ceztamz reblogged this from amateurdreamer
  2. mahiyainsiako reblogged this from amateurdreamer
  3. enajski reblogged this from amateurdreamer
  4. unappreciatedme reblogged this from amateurdreamer
  5. princessmafspasaway reblogged this from gossipingmachine and added:
    Bakit nga ba minsan, natatakot tayong pumasok sa isang relasyon? Sa isang commitment? ‘Yon bang maging ‘In a...
  6. gossipingmachine reblogged this from kaicalimoso
  7. causeibelieveinshit reblogged this from amateurdreamer
  8. dessler reblogged this from amateurdreamer
  9. keepcalmandreadthisblog reblogged this from amateurdreamer
  10. shititshardtogo reblogged this from amateurdreamer
  11. kristinlovesyouuuu reblogged this from amateurdreamer
  12. heyyysweetyy reblogged this from icantbeyourbatgirlanymore
  13. icantbeyourbatgirlanymore reblogged this from amateurdreamer
  14. kaicalimoso reblogged this from amateurdreamer